"Filipino: Wika ng Saliksik"

Napakagandang biyaya, napakagandang wika. Ang wika ang daan para sa magandang samahan. Ito ang daan tungo sa pagkakaunawaan ng isa't isa. Ibat ibang parte ng mundo ay meron nito. Ipinagdiriwang taon-taon ang Buwan ng Wika dahil ang Wikang Filipino ang sumisimbolo sa kultura nating mga Pilipino. Napakahalaga ng wika sa atin ganon na rin sa ating lipunan. Sa ibang bansa ipinagmamalaki rin ng kapwa nating mga Pilipino. Mahalaga ang Wikang Filipino, pero ginagamit pa rin ba ito ng taong bayan? Pilipino ka dapat mong ipagmalaki ang wika natin dahil ito ay nag iisa. Mga malalalim na salitang tagalog ay hirap mong unawain dahil puro ka ingles, para sa tingin ng mga tao sayo ay matalino at sosyal ka. Wika nating mga Pilipino ay dapat na pag aralan dahil kahit saan man ito ay ating magagamit. Kaya ngayon simulan na ang pananaliksik para mas maunawaan pa ang ibig sabihin ng mga malalalim na salita.

Dito sa Pilipinas marami tayong wika gaya ng Cebuano, Boholano, Ilocano, Tagalog at iba pa. Karamihan sa mga Pilipino ngayon ay mas ginagamit na ang Ingles sa pananalita. Gaya ng mga magulang na itinuturo ang Ingles sa kanilang anak at minsan nakakalimutan na nilang turuan ang bata na magsalita ng Wikang Filipino. Ang iba din na pumupunta sa ibang bansa ay kinakalimutan na ang Wikang Filipino. Alam ko na mahalaga din ang Wikang Ingles dahil ito ang paraan upang mas maging maganda ang komunikasyon natin sa ibang bansa. Pero sana naman ay pahalagahab din natin ang ating sariling wika, at sana hindi natin ito kalimutan dahil ang wika natin ay sumisimbolo sa ating katauhan bilang Pilipino, ito din ay isang kayamanan na dapat nating paunlarin at gamitin sa pagpapaunlad ng ating bansa. Tayo ay magsasaliksik sa mga salita na hindi maintindihan ng sa gayon ay mas maging malawak pa ang kaalaman natin. Ang pagsasaliksik ay paraan sa pangangalap, pagsusuri, pagaayos, at ito din ay mahalaga dahil sa paraang ito ating mauunawaan ang ibig sabihin ng isang bagay.

Ang Wikang Filipino ay isang yaman na hindi maaalis sa ating mga Pilipino. Ngayon ay marami na ang Wikang Filipino ang nawawala bawat isa sa atin, hindi na natin ito napapansin dahil sa mabilis na pagdami ng mga salita sa ibat ibang grupo ng tao. Ang bansang Pilipinas ay maraming wika at isang reyalidad ang pahkakaroon ng maraming wika. Ang Wikang Filipino ay binubuo ng maraming wika kaya sana ito ay ating pahalagahan, gaya nga ng sinabi ko na ito ay daan sa magandang komunikasyon. Ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika upang maipakita sa lahat na kahit sa panahon ngayon ay punong-puno na nang mga makabagong teknolohiya at makabagong henerasyon na, ang ating pambansang wika ay buhay pa. Kaya tayong mga Pilipino pahalagahan ang ating wika dahil ito ang daan sa pagkakaroon ng magandang ugnayan at mabuting pagsasamahan.

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

The Path of the Fresh Future

A letter for the President